Nagpapatupad ngayon ang Office for Transportation Security (OTS) ng mas mahigpit na seguridad sa lahat ng transport agencies para sa mas istriktong security screening sa mga pasahero, bag at sasakyan na pumapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.
Kasunod ito ng direktiba ng Transportation Department na triplehin ang security at safety measures sa kanilang areas of responsibility upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng transportation facilities, personnel at ng riding public.
Inatasan din ang lahat ng concerned transport officials na gawin ang lahat ng mga hakbang upang mai-iwas ang publiko sa kapahamakan matapos ang magkakasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Nagpatupad din ang Office for Transportation Security (OTS) ng Transportation Security Levels kung saan inilagay sa Security Condition (SECCO) 2 ang ng lahat ng airports sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Security Level 1, na may Enhanced Security naman sa lahat ng seaports at Land Mass Transportation Facilities sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Bukod pa rito ang pagtatalaga ng mas maraming security personnel at K-9 at paggamit ng mga security equipment.