Seguridad sa NAIA – hinigpitan kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Kasabay ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao, naka-alerto na ngayon ang Philippine National Police Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa ngayon ay todo-bantay na ang mga pulis sa mga paparating at papaalis na pasahero sa paliparan.

Kasabay nito, kinalma ng mga otoridad ang publiko, business as usual at dapat umanong maging kalmado ang mga mamamayan.


Kaninang umaga ay tumulak pa-Davao City ang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang pagpupulong kaugnay sa idineklarang martial law.
DZXL558

Facebook Comments