Seguridad sa NAIA, hinigpitan pa ng AVSEGROUP sa harap ng pagdagsa ng stranded passengers

Nagpakalat ng karagdagang mga tauhan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group.

Layon nito na mamonitor ang galaw ng mga pasahero sa loob ng paliparan para sa kanilang seguridad sa harap ng pagdagsa ng mga stranded na pasahero.

Inalerto na rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang intelligence network para sa posibleng pagdagsa pa ng Locally Stranded Individuals (LSIs).


Muli namang nilinaw ng MIAA na ang papayagan lamang na makapasok sa loob ng airport ay ang mga may kumpirmadong flight.

Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na alisin ang mga restaurant sa NAIA departure area at lagyan ng upuan para sa mga pasahero

Facebook Comments