Seguridad sa NAIA, pinaparepaso ng isang kongresista

Iginiit ni OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang pag-review sa umiiral na security measures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Panawagan ito ni Magsino matapos araruhin ng isang SUV ang bahagi ng NAIA Terminal 1 kung saan dalawa ang nasawi at may mga nasugatan.

Diin ni Magsino, dapat siguraduhin sa lahat ng pagkakataon ang kaligtasan at kaayusan sa paliparan dahil ito ang mukha ng sektor ng turismo at gateway para Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kaugnay nito ay pinapatiyak naman ni Magsino sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na maibibigay ang lahat ng tulong na kailangan ng mga biktima at mga naapektuhan ng trahedya sa NAIA.

Facebook Comments