Seguridad sa Nalalapit na Barangay at SK Election, Pinaghahandaan Na ng PRO2!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Pinangunahan kamakailan ng Police Regional Office 2 ang kauna-unahang pulong ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) para sa preparasyon ng nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalawigan.
Ito ay Pinanguhan nina COMELEC RO2 Regional Director at RJSCC Chairman Atty. Ederlino Tabilas, Police Chief SUPT Jose Mario Espino, Regional Director, PRO2 at ni Major General Perfecto Rimando Jr., AFP Commander ng 5 th ID.

Pinag-usapan sa nasabing pulong ang kanilang deployment plan, COMELEC updates partikular sa pagsasagawa ng checkpoints at pagdedeklara ng Gun Ban na magsisimula sa Abril katorse at magtatapos sa May 21, 2018.

Inaasahan naman ni Atty. Tabilas na magiging makatotohanan at ligtas ang nalalapit na halalan subalit Pinaalalahanan pa rin niya ang bawat isa na doblehin umano ang kanilang pagsisikap upang makamit ang kanilang inaasam.


Samantala, pinaalalahanan naman ni Regional Director Espino ang lahat ng mga alagad ng batas na siguruhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan at obserbahan ang kanilang pag-iimplimenta ng checkpoints lalo na sa mga disabled person at pregnant woman.

Binigyang diin pa nito ang kahalagahan ng kolaborasyon ng AFP, PNP at COMELEC upang makamit ang makatotohanan at maayos na halalan ng Barangay at Sanguniang Kabataan ngayong taon.

Facebook Comments