Mahigpit na seguridad ang ipatutpad ng Philippine National Police (PNP) sa pagdadala kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa Senado ngayong umaga.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, nakipag-coordinate na ang PNP sa Senate-Sergeant-at-Arms noon pang Biyernes para sa pagdalo ni Guo sa hearing ng Senado ngayong araw.
Sinabi ni Fajardo na inaasahang ibibyahe si Guo mula sa PNP Custodial Center patungo sa Senado dakong alas-8 ng umaga, na escorted ng security convoy na kinabibilangan ng mga babaeng pulis at mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT).
Bilang bahagi ng security arrangements, si Guo ay naka-posas at naka-suot ng bulletproof vest sa biyahe.
Paliwanag ni Fajardo sineseryoso ng PNP ang sinabi ni Guo na nakaktanggap siya ng banta sa kanyang buhay.