Seguridad sa pagdalo sa SONA ni PBBM, hindi dapat ikabahala —Sen. Zubiri

Iginiit ni Senator Juan Miguel Zubiri na walang dapat na ikatakot ang mga dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng pangulo na gaganapin sa Lunes, July 22.

Kabilang si Zubiri sa mga senador na tiyak na dadalo sa SONA ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Zubiri, hindi siya natatakot dahil tiwala siyang mahigpit na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) at Presidential Security Group (PSG) sa Kamara kung saan idaraos ang SONA.


Naniniwala rin ang senador na kapag oras mo ay oras mo na.

Matatandaang nagkaroon ng pagkabahala sa darating na SONA bunsod na rin ng naging assassination attempt kay dating US President Donald Trump habang nasa gitna ito ng political rally sa Pennsylvania.

Facebook Comments