Nais ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na maging ligtas ang Metro Manila sa pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Pnayuhan ni MPD District Director Sr. Supt. Vicente Danao, Jr. ang bawat mamamayan na tumulong sa pulisya lalo na at maraming mamamayan ang nag-uwian sa kanilang mga lalawigan upang magbakasyon.
Umapela rin si Danao sa mga mamamayan ng lungsod na maging mapagmatyag lalo na sa posibleng pagsabotahe sa katahimikan at kapayapaan.
Payo ni Danao, i-report agad sa pulisya ang sinumang may kahina-hinalang kilos at mga kahina-hinalang bagay na mapapansin para sa kaligtasan ng lahat.
Facebook Comments