Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang pagkakaroon ng mahigpit na seguridad at police visibility ngayong nagsimula na ang lokal na pangangampanya.
Ayon kay Provincial Director Col. Rollyfer Capoquian, mahigpit ang kanilang pagtutok lalo na sa mga areas of concern sa probinsya upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang pangangampanya ng mga kandidato.
Nakahanda rin umano ang kapulisan sa mga nagrequest at magrerequest na mga kandidato ng kanilang seguridad. Nagkaroon umano ng masusing ebalwasyon upang makonsidera ang mga security requests na kanilang natatanggap.
Samantala,paalala pa rin ng Opisyal na mayroong umiiral na gun ban sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments