Seguridad sa paliparan, hinigpitan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

Hinigpitan na ang airport security sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos hindi pasakayin ng Philippine Airlines flight patungong Butuan ang isang lalaki mula General Trias, Cavite nitong Lunes.

Ang pasahero ay pinagbawalang sumakay sa kanyang flight dahil nagpakita siya ng COVID-19 swab test certificate na positibo ang resulta.

Ayon sa PAL, ang lahat ng domestic at international passengers ay kailangang magsumite ng negatibong RT-PCR results sa airline counters bago sila bigyan ng boarding passes bilang safety precaution.


Kaugnay nito, binuksan na ng PAL ang Antigen Testing facility para sa kanilang mga kliyente sa PAL Gate 3 sa Andrews Avenue, Pasay City.

Sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna, ang local government units ng General Santos at Butuan City ay tumatanggap na ng negatibong antigen test results.

Ang pasahero ay kailangang i-test ng hindi lalagpas ng dalawang oras bago ang kanilang departure time.

Ang antigen test result ay valid sa loob ng 72 hours bago ang kanilang departure para sa General Santos habang limang araw naman sa Butuan.

Facebook Comments