Seguridad Sa Paparating Na 2016 Miss Universe Pageant – Pina-Plantsa Na Ng Phil. National Police

29

MANILA – Handang handa na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police kaugnay ng idaraos na ika-65thMiss Universe pageant sa bansa, ngayong buwan.Sa press briefing sa camp crame sinabi ni Task Force Security Head Sr./ Supt. Emmanuel Licup – sinabi nitong magiging mahigpit ang seguridad dahil hindi nila inaalis ang posibilidad na may grupong magsamantala sa okasyon.Sa kabila nito, sinabi ni Licup na wala silang natatanggap na banta sa gaganaping Miss UniverseMaging ang mga lugar na nakatakdang bisitahin aniya ng mga kandidata ay mahigpit na babantayan ng PNP operatives sa koordinasyon ng Department of Tourism, kabilang ang coronation night ng Miss Universe na gaganapin sa Mall of Asia sa Pasay City sa January 30.Sinabi din ni Licup na aabot sa 1,300 police personnel ang ipapakalat upang umagapay sa mga kandidata.Ito ang ikatlong pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng Miss Universe matapos ang mahigit 20 taon simula noong taong 1994.

Facebook Comments