MANILA – Tiniyak ng Police Regional Office (Pro-7) ang seguridad sa gaganaping Pili-Pinas 2ndPresidential Debate sa University of the Philippines-Cebu na pangungunahan ng Radio Mindanao Network at TV 5.Kasabay nito, nagpaalala si PRO-7 Regional Director Chief Supt. Manuel Gaerlan Jr., sa mga bodyguards ng mga presidentiables na bawal ang magdala ng baril sa loob ng venue.Aniya, tanging mga pulis, sundalo at mga guwardya ng unibersidad lang ang dapat magdala ng baril sa debate.Kaugnay nito…All set na ang gagawing security measures ng mga otoridad sa nasabing aktibidad at kahit ang mga hotels kung saan nakatira ang presidentiables at airport ay kanilang babantayan.Sa ngayon inaasahaan ng mga organizers na dadalo ang maraming mga supporters sa UP-Cebu upang makibahagi sa naturang debate.Gayunman limitado lamang ang venue dahil sa aabot sa tatlong daang katao ang seating capacity.Una nang isinagawa ng Comelec-KBP ang unang presidential debate noong nakarang buwan sa Cagayan de Oro City.
Seguridad Sa Pili-Pinas 2Nd Presidential Debate Sa Up-Cebu, Tiniyak Ng Philippine National Police
Facebook Comments