Seguridad sa Pista ng Cauayan City, Patuloy na Binabantayan!

222

*Cauayan City, Isabela-* Patuloy ang pagbabantay ng tropa ng PNP Cauayan City para sa seguridad kaugnay sa Gawagaway-yan Festival ng Lungsod.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Captain Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, maraming pulis ang nagbabantay tuwing gabi partikular sa Centro ng Cauayan dahil sa pagkakaroon ng Banchetto na dinadagsa ng mga tao.

Kaugnay nito, wala namang naitala na untoward incidents nang magsimula ang pista sa Lungsod dahil na rin anya sa kooperasyon ng mga bumibisita.


Dagdag pa ni Police Captain Galiza, mas maayos ngayon ang kanilang naging plano sa pangangalaga ng seguridad ng mga Cauayeño at ng mga turista.

Samantala, patuloy rin sa pagsasagawa ng Checkpoint ang kapulisan para sa pangangalaga ng seguridad sa buong nasasakupan ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments