Manila, Philippines – All system go na ang seguridad ng Manila Police District (MPD) sa Pista ng Itim na Nazareno bukas.
Sa interview ng RMN Manila kay MPD Director Senior Superitnendent Vicente Danao Jr., bukod sa seguridad, nakahanda na din ang mga support team na tutulong sa paggabay sa prusisyon.
Bukod dito, muling ipinaalala ng MPD sa mga namamanata na bawal na bawal ang magdala ng backpack, magsuot ng sumbrero, magpalipad ng mga hindi otorisadong drone at mag-inom ng alak.
Inaasahan naman nila na aabot sa milyon-milyong katao ang dadagsa bukas kaya at umaasa ito na magiging matiwasay ang ligtas ang bawat isang tutungo sa Traslacion 2019.
Facebook Comments