
Pinaghahandaan na ng San Carlos City Police Station ang mga hakbang sa seguridad kaugnay ng nalalapit na Pista ng Itim na Nazareno upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa lungsod.
Kahapon, Disyembre 29, 2025, nagsagawa ng maagang dayalogo at mobilisasyon ang mga tauhan ng San Carlos City Police Station kasama ang KABAYAN Action Force multipliers.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga usapin hinggil sa crowd control, seguridad, at koordinasyon sa panahon ng pagdiriwang.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang pagtutulungan ng kapulisan at mga force multipliers upang maging handa sa inaasahang dagsa ng deboto at maiwasan ang anumang insidenteng maaaring makagambala sa kapayapaan at kaayusan.
Patuloy ang panawagan ng kapulisan sa publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga itinakdang alituntunin upang maging ligtas at maayos ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno sa San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










