Sa isang pagpupulong kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, tinalakay ang mahahalagang hakbang upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, kaligtasan ng mga dadalo, at maayos na pamamahala ng crowd.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagpapatupad ng safety protocols, koordinasyon sa emergency responders, at pagtiyak na ligtas at organisado ang lugar ng aktibidad.
Binigyang-diin din ang mas mahigpit na pagbabantay sa paligid ng venue upang matiyak na magiging payapa at masaya ang selebrasyon para sa mga pamilya.
Tiniyak naman ng LGU na nakahanda ang lahat ng tanggapan na katuwang sa pagpapatupad ng seguridad upang maging matagumpay ang Christmas Lighting ng bayan.
Nakatakdang isagawa ang pailaw ngayong Sabado, November 29.









