Seguridad sa Sarangani, pinaigting pa rin kahit kinasela na ang Sarangani Bay Festival

General Santos City – pinaigting pa rin nga pulisya at ng militar ang seguridad ng Sarangani Province kahit kinasela na ng Local Government Unit ang selebrasyon ng Sarangani Bay Festival na magsisimula sana ngayong araw.

Sinabi ni Sarangani Provincial Police Office Director Police Sr. Supt. Joseph Semillano na hindi nila babaan ang kanilang alerto kasabay narin ng pagdeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyaring karahasan sa Marawi City.

Dagdag pa ng opisyal na ang pinaigting na siguridad na kanilang ipinapatupad ay bunsod na rin sa mga banta sa seguridad sa Mindanao.


Inamin ni Semillano na mayroon pang natitirang myembro ng Ansar Al Khilafa Philippines na itinatag ng napaslang na terorista na si Kumander Tokboy Maguid na kilalang ISIS sympathizer at mayroong koneksyon sa Maute Group.

Pero kampante ang opisyal na hindi makaporma ang nasabing grupo dahil nasa tatlo hanggang limang mieymbro nalang ang natira sa kanila na patuloy ngayon na tinutugis ng otoridad.
DZXL558

Facebook Comments