Seguridad sa selebrasyon ng ika 100-kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, kasado na

Manila, Philippines – Handa na ang ilalatag na seguridad ng Philippine Army para sa selebrasyon ng ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw.

Sabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, sila ang naatasang magbigay seguridad sa naturang pribadong event dahil ito ang physical custodian ng Libingan ng mga Bayani.

Inaasahang dadaluhan ang naturang centennial birthday celebration ng mga opisyal ng gobyerno, diplomats, kaanak at mga kaibigan.


Samantala, sasabayan din ng kilos protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang ika-100 kaarawan ng dating pangulo kasabay ng kanilang panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng martial law.

Facebook Comments