Seguridad sa Semana Santa at summer vacation, paiigtingin pa

Mas paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ngayong Holy Week at summer vacation.

Ayon kay PNP Spokesperson Bernard Banac, maglalagay sila ng mga police assistance desks at magtatalaga rin ng mga road safety marshals nationwide sa mga pampublikong lugar gaya ng bus terminals at seaports

Kasama rin aniya sa kanilang babantayan ang mga bars, clubs at resorts na posibleng lakuan ng mga party drug.


Sabi pa ni Banac, ipinag-utos na rin ni PNP Chief General Albayalde sa mga pulis na maging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Kasabay nito, umapela si Banac sa publiko ng koordinasyon sa ipinatutupad na seguridad.

Mainam rin aniyang iwasan munang i-post sa social media ang kanilang vacation plans para hindi mabiktima ng masasamang loob.

Nagpaalala rin ito sa mga force multipliers, security guards na maging mahigpit sa pagsita ng mga bagahe nang maiwasan ang anumang insidente.

Maaari namang i-report sa PNP hotline ang anumang insidente sa Twitter, Facebook o ITXT Mo Kay Oca hotline 09178475757.

Facebook Comments