Zamboanga Del Sur, Philippines – Ikinakasa na ng PNP Zamboanga Del Sur ang seguridad sa buong lalawigan sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa.
Sa interview ng RMN kay Provincial Director Pssupt. Sofronio Ecaldre, bahagi ng kanilang security measure ang publiko nagbibiyahe sa Mahal na Araw.
Partikular na tututukan ng mga pulis ang mga terminal ng bus, paliparan at iba pang areas of convergence o mga lugar kung saan dumaragsa ang mga tao.
Bibigyan ding seguridad ang mga simbahan sa iba’t ibang munisipyo upang tiyakin ang kaligtasan ng mga katolikong daragsa para sa Visita Iglesia.
Nakalatag narin ang mga aktibidad sa Sr. Sto. Nino Cathedral sa lungsod Pagadian na magsisimula sa darating na Linggo.
Nation”
Facebook Comments