Manila, Philippines – Nanawagan ang Malacañang ng maigting na seguridad sa Sulu kasunod ng pagsabog sa bayan ng Indanan na ikinamatay ng walong katao, kabilang ang tatlong sundalo.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – dapat matuto na ang mga tropa ng pamahalaan sa insidente at palakasin ang security arrangement sa lugar.
Aniya, dapat maging mapagmatiyag sila at mabilis matukoy ang mga suicide bomber.
Inako ng Islamic State ang nangyaring pag-atake.
Kinokondena ng Duterte administration ang pangyayari at tiniyak na tutugisin ang nasa likod nito.
Facebook Comments