Ipapatupad ng Western Mindanao Command o WestMinCom ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang security adjustment sa Western Mindanao.
Ito ay matapos makumpirma ang pagpasok sa Western Mindanao ng 7 dayuhang terorista na sumapi na mga lokal na teroristang grupo.
Ayon kay Lieutenant General Cirilito Sobejana, commander ng WesMinCom, mas magiging aktibo ang kanilang pwersa at mas hihigpitan ang segurirad sa Western Mindanao nang sa gayon ay mapigilan ang anumang masamang balak na nais niluluto ng mga ito.
Hindi naman maibigay ni Sobejana ang kongkretong aksyon na kanilang gagawin upang hindi ma-preempt ang kanilang gagawing operasyon.
Sinasabing tinuturan umano ng 7 dayuhang terorista ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Dawlah Islamiyah gayundin sa BIFF kung paano gumawa ng bomba.
Hindi na muna tinukoy ni Sobejana ang nationality ng mga dayuhang terorista dahil tiyak aniyang magre-react ang mga embassy.
Samantala, 42 iba pang mga dayuhang terorista ang patuloy namang minomonitor sa buong Mindanao ng posibleng may koneksyon sa ISIS, ang kinatatakutang grupo ng mga dayuhang terorista sa mundo.