SEGURIDAD | Security escorts at firearms ng mga kakandidato sa 2019 midterm elections, lilimitahan – ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Lilimitahan ang papahintulutang firearms at security escorts para sa mga tatakbong pulitiko sa darating na 2019 midterm elections.

Ito ay bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno na mapigilan ang anumang election violence.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte – nais niyang magkaroon ng ligtas, mapayapa at malinis na halalan.


Dapat aniya, mayroon lamang na dalawang firearms at dalawang uniformed security bawat kandidato.

Ang excess na firearms ay dapat isuko.

Bukod sa gun at body restrictions, magtatalaga rin ng police checkponts.

Facebook Comments