SEGURIDAD | Telecommunication services sa lugar na sakop ng Traslacion, sususpindehin ngayong araw

Manila, Philippines – Naglabas ng abiso ang Smart Communications at Globe Telecom na pansamantala nilang sususpindehin ang kanilang mga mobile services ngayong araw.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng mahigpit na seguridad sa mga lugar na daraanan ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa advisory ng Globe, sinabi nila na magsisimula ngayong araw, January 9, alas-5:00 ng umaga ang pansamantalang pagpatay nila sa mobile signal sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Mandaluyong City at Makati City.


Maari din anilang madamay ang ilang mga lugar pa na malapit sa mga nabanggit na lungsod.

Tulad sa Globe, magsisimula ring suspendihin ng Smart ang kanilang signal nang alas-5:00 ng madaling araw.

Agad naman nilang ibabalik ang kanilang mobile services oras na abisuhan sila ng mga otoridad na maari na itong gawin.

Facebook Comments