Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat pa ni National Security Adviser Secretary Germohenes Esperon ang banta ng ISIS sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Esperon, pagbabanta lang sa buhay ni Pangulong Duterte ang kayang gawin ngayon ng ISIS matapos mapulbos ng Pangulo ang puwersa nito sa Marawi City.
Sinabi din ni Esperon na sa harap ng banta ng ISIS sa buhay Pangulo ay hindi lalambot ang pangulo sa paglaban sa teroristang grupo at sa paghikayat sa ASEAN region na magkaisa sa paglaban sa terorismo.
Tiniyak din naman ni Esperon ang seguridad ni Pangulong Duterte dahil naka alerto naman ng lahat ng Security forces lalo na ang Presidential Security Group o PSG para bantayan ang Pangulo.
Nabatid na pinag-iingat ng mga negosyante na Indian si Pangulong Duterte sa Mindanao.