MANILA – Laking pasasalamat ng norwegian national na si Kjartan Sekkingstad kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos makalaya sa kamay ng abu sayyaf group na bumihag sa kanya ng halos isang taon.Sa press conference sa Davao City, nagpasalamat si Sekkingstad sa mga nagsumikap at gumawa ng paraan para siya ay mapalaya.Nagpasalamat din si Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner sa pwersa ng PNP, AFP at iba pang sektor na tumulong sa pagpapalaya ng kanilang kababayan.Samantala, pinasalamatan din Ni Pangulong Duterte sina MNLF Chairman Nur Misuari, Peace Process Adviser Jesus Dureza at dating Sulu Gov. Sakur Tan na siyang gumawa ng hakbang para mapalaya ang mga bihag ng Abu Sayyaf.Sinabi naman ni Dureza na ibinigay na sa kustodiya ng Indonesian government ang tatlong indonesian na pinakawalan din ng Abu Sayyaf.
Sekkingstad, Nagpasalamat Kay Pangulong Duterte
Facebook Comments