Sektor na Babakunahan kontra COVID-19, Mas Pinalawak ng LGU Ilagan City

14

Cauayan City, Isabela- Mas pinalawak na ngayon ang pagbabakuna kontra COVID-19 kung saan kabilang na rin ang mga Senior Citizen na binabakunahan ng lokal na pamahalaan ng Ilagan.

Ayon kay City Mayor Josemarie Diaz, kabilang rin sa prayoridad ang mga taong may comorbidities o dati nang may sakit kung saan inaasahan naman na mas marami pang Ilagueño ang mababakunahan kapag dumating na ang mga karagdagang gamot laban sa virus.

Giit ni Diaz, may ilan pa rin na kababayan nito ang takot at nagdududa pa rin sa bakuna kung kaya’t pinawi nito ang pangamba ng publiko at hinikayat na magpabakuna dahil ligtas umano sa katawan ng tao para sa dagdag na depensa laban sa mapaminsalang virus.


Sa kabila nito, hindi umano pinababayaan ng LGU ang pagpapanumbalik sa estado ng ekonomiya sa lungsod at ang tuloy-tuloy naman na pagbibigay suporta sa mga Ilagueño na apektado ng pandemya.

Facebook Comments