Sektor ng agrikultura at turismo sa bansa kailangang maisaayos at mas mapalakas pa ayon kay Bongbong Marcos

Dapat na palakasin at maisaayos pa ang sektor ng agrikultura at turismo sa bansa

Ito ang sinabi ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagdalo sa campaign rally kahapon sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Aniya, kailangang ayusin ang agrikultura para may sapat na pagkain para sa lahat at mabawasan ang importasyon.


Dapat din daw na buhayin ang tourism industry para magkaroon uli ng trabaho at muling maipagmalaki ang Pilipinas.

Kailangan din daw ituloy ang infrastructure program, pagandahin ang internet connections, at iba pa.

Pero hindi idenatalye na Marcos, kung ano pa ang mga partikular na paraan ang kanyang gagawin para sa mas maayos na agrikultura at turismo sa bansa.

Kaugnay naman sa kinakaharap COVID-19 pandemic sinabi ni Marcos na kailangan lang daw ay magkaisa para unti-unting makabangon sa krisis.

Samantala, ang Quezon City ang isa mga siyudad sa bansa na may pinakamaraming registered voters na umaabot ng nasa 1.2 million.

Facebook Comments