Nananawagan ang grupo sa sektor ng agrikultura na isama o bigyan sana ng prayoridad ang iba nilang kasamahan sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Nabatid na nasa 10 milyon ang bilang ng mga nasa agriculture sector pero hindi pa rin nababakunahan ang mga ito.
Dismayado ang mga magsasaka na hindi sila kasama sa prayoridad ng gobyerno sa pagbabakuna lalo na’t marami sa kanila ang nais na maturukan na nito.
Iginiit ni Agriculture Alliance of the Philippines President Nick Briones na isama sana ng gobyerno sa A4 priority group ang mga magsasaka lalo na’t itinuturing rin sila bilang mga essential worker.
Iba rin sa mga sektor ng agrikultura ang lubos na naapektuhan dahil sa pandemya lalo’t hindi sila nakapag-trabaho noong panahon ng paghihigpit ng quarantine qualifications.
Iginiit pa ni Briones na mahalagang mabakunahan agad ang mga nasa sektor ng agrikultura dahil sila ang nangunguna o pinagmumulan ng makakain ng bawat mamamayan.
Umaasa ang kanilang grupo na pakikinggan sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) lalo na’t ang magbebenipisyo nito ay mga magsasaka, mga nag-aalaga ng baboy at mangingisda gayundin ang kanilang pamilya.