SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BUGALLON, PINALALAKAS

Pinalalakas ang kakayahan at kaalaman ng mga magsasaka sa bugallon upang matulungang patuloy na magkaroon ng dagdag na pagkakitaan.

Base sa datos ng municipal agriculture office, nasa 250 ektarya ng sakahan sa bayan ang apektado dahilan ng pagkalugi ng ilang magsasaka.

Upang maibsan ito, tumanggap ng 500 sako ng binhi at soil conditioner ang mga magsasaka sa ilalim ng rcef o rice competitiveness enhancement fund ng department of agriculture at sumailalim din sa pagsasanay sa wastong paggamit ng pesticide nang hindi maging mapanganib sa kalusugan at kalikasan.

Bukod dito, bukas ang lokal na pamahalaan na magpatayo ng warehouse ng nfa rice at ai center para sa pagpaparami ng baka upang mapalago pa ang sektor ng* agrikultura.* | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments