Sektor ng Agrikultura sa Isabela, Umabot sa 10 Milyon ang inisyal na Pinsala

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa sampung (10) milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura sa Lalawigan ng Isabela matapos tumama ang nagdaang bagyong Ramon.

Ayon kay PDRRM Officer Basilio Dumlao, patuloy pang inaalam ang kabuuang pinsala sa mga pananim na mais, palay at palaisdaan sa ilang lugar sa probinsya.

Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang upang tuloy-tuloy na mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng bagyo.


Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang tulong sa abwat pamilya na higit na naapektuhan ng pinsala ng bagyo.

PhotoCourtesy: CITIZENS DISASTER RESPONSE CENTER

Facebook Comments