Buo ang suporta ni House Committee on Appropriations at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magsagawa ng geo-mapping ng lahat ng agricultural lands.
Positibo si Co na makakatulog ito para mapaunlad ang sektor ng agrikultura, masuportahan ang mga magsasaka at mapasigla ang ekonomiya.
Ayon kay Co, sa pamamagitan ng geo mapping ay matutukoy kung anong mga pananim ang akma sa ispesipikong lupain at magagabayan din nito ang gobyerno kung anong tulong at intervention ang dapat ibigay sa ating mga magsasaka.
Sabi ni Co, malaki ang magiging papel ng geo mapping para maparami ang ani ng mga magsasaka at mapataas ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Binanggit ni Co na paraan din ang geo mapping para mapadali ang pag-resolba sa isyu ukol sa titulo ng mga lupang sakahan.