Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat palakasin ang sektor ng edukasyon para mapahusay ang mga industriya sa bansa partikular ang industriya ng turismo.
Ayon sa pangulo, dapat nang itaas ang standards at mga nakasanayan sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pagpapataas ng kakayahan ng mga manggagagawa sa bawat industriya.
Kaugnay nito hinimok ng pangulo ang mga eksperto at professionals sa iba’t ibang larangan na tumulong sa hangarin ng pamahalaan.
Kailangan din aniyang mapatibay ang lipunan at ekonomiya lalo na sa sektor ng turismo.
Dahil ang lahat aniya ng mga hakbang sa mga produkto at serbisyo sa turismo ay naaayon sa pagtugon sa climate change.
Facebook Comments