Kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at ng paaralan ang mariin ngayon na tinututukan ng Local School Board at ng lokal na gobyerno ng Bayambang.
Inihayag sa naging pagpupulong ng LSB ang mga iba’t-ibang isyu kasama na rin ang pagpapalit sa Federated SK President.
Pinag-usapan rin ng mga ito ang sitwasyon sa naging pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa bayan maging ang ilalaang supplemental budget para sa Don Teofilo Mataban Memorial Elementary School.
Tinalakay rin ang estado ng mga palikuran na laan para sa Special Education o SPED.
Samantala, ilang programa na rin ang inilunsad ng kinauukulan para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa naturang bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









