Sektor ng kalusugan, tila hindi prayoridad ni PBBM ayon sa dating kalihim ng DOH

Naniniwala ang dating kalihim ng Department of Health (DOH) na tila hindi prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sektor ng kalusugan dahil sa wala pa ring naitatalagang DOH secretary hanggang ngayon.

Ayon kay dating DOH Sec. Esperanza Cabral, kung walang malinaw na liderato ay mahihirapan ang kagawarang itulak ang mga repormang tutugon sa pandemya at iba pang isyung pangkalusugan.

Aniya, napakarami ng problema ng bansa pagdating sa kalusugan kung kaya’t mahalagang iprayoridad ang mga hakbang at implementasyon nito upang agad na makarating sa publiko.


Samantala, pinuri naman ni Cabral si Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire sa pangangasiwa ng DOH kahit hindi nito hawak ang titulo ng pagiging kalihim.

Facebook Comments