Positibo ang sektor ng pagnenegosyo na mas magiging maganda ang Pasko ngayong taon para sa kanila.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion, nakikita kasi na tuwing ika-apat na kwarter ng taon ang may pinakamalakas na paglago ng ekonomiya dahil Pasko.
Ito rin aniya ang panahon na maraming Pilipino ang may trabaho at marami ang namimili ng mga pangregalo, at mas malakas ito ngayong taon kumpara noong isang taon na matumal ang bentahan.
Bukod dito, maraming mga Overseas Filipino Worker (OFW) rin ang nagbabakasyon kapag ganitong panahon.
Dahil dito, mas lumalakas ang naitatala nilang benta at kita at mas gaganda ang lagay ng ekonomiya.
Facebook Comments