Pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Sual ang sektor ng niyugan sa bayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng coconut seedlings sa mga magsasaka.
Isinagawa ang distribusyon ng mga punla na nagmula sa Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang Municipal Agriculture Office, bilang bahagi ng patuloy na programa para suportahan ang kabuhayan ng mga magniniyog at mapataas ang produksyon ng niyog sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng pamamahagi ng punla na matulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng mas matibay at pangmatagalang pinagkukunan ng kita, kasabay ng pagpapaunlad ng lokal na agrikultura.
Ginanap ang aktibidad sa Barangay Camagsingalan, kung saan itinuturing na mahalagang bahagi ng kabuhayan ng maraming residente ang pagniniyog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








