Manila, Philippines – May sapat na probisyon ang rice tariffication act para protektahan ang kapakanan ng sektor ng pagsasaka sa bansa.
Ito ang tiniyak ni house committee on ways and means Chairman Dakila Carlo Cua sa harap ng samu’t saring reaksyon matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.
Ayon kay Cua, na isa rin sa may-akda ng batas – dapat tingnan ng mga kritiko ang mabuting epekto nito gaya ng pagkakaroon ng sapat na suplay at mas murang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Hinimok naman ng mambabatas ang pamahalaan na palakasin pa ang suporta sa sektor ng agrikultura para makaagapay ang maliliit na magsasaka sa mga pagbabagong dala ng rice tariffication.
Facebook Comments