Sektor ng transportasyon, handa na para sa pagdagsa ng mga biyahero – DOTr

Nakahanda na ang transportation sector sa pagdagsa ng mga biyaherong pupunta ng kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng Undas.

Pagtitiyak ito ni Transportation Secretary Jaime Bautista kung saan nagdagdag na ng mga sasakyan mula land, air at sea travel upang ma-accommodate ang pagbuhos ng mga pasahero.

Ayon kay Bautista, maliban kasi sa pagluwag ng mga COVID-19 restrictions matapos ang dalawang taong paghihigpit dahil sa virus, nagbukas na rin muli ang mga sementeryo sa buong bansa upang mabisita ang kanilang mga mahala sa buhay.


Kaugnay nito, ilulunsad na rin ngayong linggo ang “Oplan Biyaheng Ayos” na siyang tutugon sa pagtulong sa mga pasahero.

Maglalatag naman ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng mga help desk sa mga Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na binubuo ng mga kawani mula sa public affairs, operations, police at medical services.

Titiyakin din ng MIAA na nakahanda ang kanilang mga kagamitan at back-up systems upang maiwasan ang mahabang pila at mabulunan ang sistema sa dami ng pasahero.

Samantala, una nang magbigay ng special permits ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga additional bus units upang serbisyuhan ang mga pasahero ngayong holiday season.

Facebook Comments