Mas tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagpapalakas ng sektor ng ekonomiya at turismo ng lungsod sa pamamagitan ng pakikibahagi ng alkalde sa naganap na Promotion and Business Investment Conference on China-Philippines Joint Demonstration Zone for Economic Innovative Development na ginanap sa bansang China.
Nakipagpulong si Mayor Fernandez sa mga pangunahing opisyales mula sa mga lokal at pambansang kagawaran nasabing bansa, maging ilang pang mga representatives at officials mula rin sa ating bansa.
Layon nitong matututukan at mapalakas ang economy status at tourism industry ng Dagupan City sa pagpapakilala ng mga produktong maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng lungsod na makakalikha rin ng mga oportunidad at trabaho para sa mga Dagupeño.
Samantala, matatandaan na isa ang Bangus Dagupan sa produktong ipinagmamalaki ng lungsod at may potensyal na mas makilala bilang world renowned na rin ang Bangus Capital at Bangus Festival na ipinagdiwang noong buwan ng Abril ngayon taon.
Kabilang din ang pagpapayaman pa ng mga MSMEs sa lungsod sa pag promote ng kanilang mga produkto at pagtulong sa mga ito na maproseso ang ipinagbibiling mga bangus products. |ifmnews
Facebook Comments