Sekyu, Arestado sa kasong VAWC

56

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang sekyu matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamineto de aresto nito bandang 3:30 kanina sa Brgy. Macatal, Aurora, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Roydan Celis, 30 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Aurora, dinakip ang sekyu matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br. 23 Roxas Isabela para sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.” sa ilalim ng criminal case no. 23-1800.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng (P20,000.00) bilang piyansa.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang akusado para harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments

From Advertisers