Sekyu, Arestado sa Pagbebenta ng Iligal na Droga sa Echague, Isabela!

79

Echague, Isabela- Arestado ang isang security guard sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Fugu, Echague, Isabela kahapon, June 8, 2019

Kinilala ang suspek na si Dalben Pascual, 37 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Nagassican, Santiago City.


Batay sa imbestigasyon ng Echague Police Station sa pangunguna ni P/Maj. Andy Orilla, nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang P1,000.00 at dalawang (2) sachet ng pinaghihinalahang shabu.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng mga kapulisan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers