Sekyu na Suma-sideline sa Pagtutulak ng Droga, Arestado

46

Cauayan City, Isabela- Dinakip ang isang security guard matapos magpositibo sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Nilo Fetalcorin, 42 taong gulang, may asawa, at residente rin ng brgy. Cataggaman Nuevo sa nasabing Lungsod.


Nabentahan ni Fetalcorin ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumibili.

Bukod dito, nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang apat (4) na piraso ng malalaking sachet ng pinaniniwalang shabu at labing apat (14) na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php30,000.00; isang (1) piraso ng 1,000 bill; isang (1) unit ng timbangan, cellphone, gunting, dalawang lighter at isang sling bag.

Dinala na sa Tuguegarao City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek.



Facebook Comments