Sekyu na Wanted Person sa Tumauini, Isabela, Arestado

135

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang wanted person sa barangay San Pedro ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Jaison Gannaban, 28 taong gulang, may asawa, security guard at residente ng brgy Lanna, Tumauini, Isabela.

Dakong alas 11:00 ng umaga ngayong araw, September 25, 2020 nang madakip ang akusado sa bisa ng Order of Arrest na inisyu ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women. and their Children (VAWC).

Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya si Gannaban kung makakapaglagak ng piyansang Php24,000.00.

Facebook Comments