Sekyu, Natagpuang Patay sa Tinutuluyang Boarding House

220

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na wala nang buhay ang isang security guard na hinihinalang nagpakamatay sa kanyang tinutuluyang boarding house bandang 4:20 ng hapon kahapon sa Brgy. Balzain West, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Santos Cabacungan, sekyu ng Double M Security Agency at nakatalaga sa isang kumpanya ng bus at tubong Talagan, Gattaran sa lalawigan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Tugeugarao City, inihayag ng nagngangalang Edward Antonio, boardmate ng biktima na katatapos lang maghugas ng mga gamit sa pagluluto si Cabacungan at agad itong nagtungo sa palikuran na matatagpuan sa ikalawang palapag ng boarding house.

Pumukaw ng atensyon ni Antonio ang isang tsinelas na nasa bahagi ng hagdan at tumambad sa kanya ang wala ng buhay ng biktima na nakasabit gamit isang lubid na nakatali sa kanyang leeg.

Agad na humingi ng tulong ang kasama ng biktima sa iba pang boardmates na agad din humingi ng tulong sa pulisya.

Batay sa inisyal na tala ng SOCO, walang indikasyon na may sugat sa katawan ang biktima at kinumpirma din na walang foul play sa insidente.

Facebook Comments