Sekyu ng Hospital sa Pikit North Cotabato, pinagbabaril!

Sugatan at patuloy na inoobserbahan sa pagamutan sa Cotabato City ang isang security guard ng Crusado Medical Hospital sa Pikit North Cotabato , matapos pagbabarilin alas 9 kagabi ng di kilalang mga suspek habang on duty .

Kinilala ni Police Captain Mautin P. Pangandigan hepe ng Pikit Mps ang biktima na si Gilbert Gocotano, 37 anyos, may asawa, security guard na residente ng poblacion Pikit, Cotabato.

Ayon sa ulat,on duty ang sekyu at habang naka tayo lamang ang biktima sa harap ng pagamutan ay biglang dumaan ang isang Bajaj motorsiklo kulay itim lulan ang dalawang di kilalang mga suspek at biglang pinagbabaril si Guard Gocotano, hindi na nagawang makabunot ng baril ang security guard dahil naunahan ito ng mga suspek.


Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa hita at kamay ang biktima, dahilan upang gamutin sa hospital kong saan siya nagtrabaho, pero nailipat agad sa mas malaking bahay pagamutan sa cotabato city.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 na pistola .

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang masusing pagsisiyasat ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril.(Jess Alli)

Facebook Comments