Sekyu, Patay Matapos Mabangga ng Sasakyan sa San Pablo, Isabela!

*San Pablo, Isabela *– Dead on the Spot kagabi ang isang security guard matapos salpukin ng kasalubong na sasakyan ang kanyang minamanehong motorsiklo partikular sa pambansang lansangan ng Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Rolin M. Guzman, 25 anyos at residente ng Barangay Simanu Sur, San Pablo, Isabela habang ang suspek at tsuper ng sasakyan ay kinilalang si Jericho M. Jusay, 30 anyos, isang inhinyero, at residente ng San Antonio St., San Francisco, Del Monte, Quezon City.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat umano na binabagtas nina Guzman at Jusay ang nasabing lansangan nang biglang umagaw si Jusay sa linya ni Guzman sa pakurbang bahagi ng daan at hindi napansin ang kasalubong na minamanehong motorsiklo ni Guzman na nagresulta ng kanilang banggaan.


Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP San Pablo hinggil sa naturang insidente habang inihahanda naman ng PNP ang kaukulang kaso na kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments