Sekyu sa Cauayan City, Arestado sa kasong Paglabag sa RA 7610!

Cauayan City, Isabela – Timbog ang isang sekyu pasado ala una kaninang tanghali matapos maghain ng Warrant of Arrest ang PNP Cauayan sa Purok 04, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Rodel Velasco Blas, trentay otso anyos, Security Guard, at nakatira sa nasabing lugar.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP Cauayan City si Blas matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Ariel M. Palce, ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 sa ilalim ng criminal case number 40-12182.


Nasa himpilan na ng PNP Cauayan City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at makakalaya lamang ito kung makapaglagak ng inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P80, 000.00.

Facebook Comments