SELEBRASYON NG 2026 TARAON FESTIVAL SA INFANTA, GAGAWING SIMPLE ALINSUNOD SA GABAY NG DILG

Mapapalitan ang ibang nakasanayan nang aktibidad sa taunang pagdiriwang ng Taraon Festival sa Infanta ngayong taon bilang pagsunod sa alituntunin ng DILG bunsod ng malawakang epekto ng krisis sa langis sa kasalukuyan.

Alinsunod sa gabay ng DILG, kakanselahin muna ang pagsasagawa ng parada, street dancing at Mutya o pageant competition ngayong taon at papalitan ng mga programa at aktibidad na agad makakatulong sa ibang apektadong sektor habang pinananatili ang kabuluhan ng kapistahan sa bayan.

Ilan sa mga tampok na nakalinyang aktibidad, ang pagsasagawa ng Medical Dental Mission, Fuel Subsidy for a Cause, Kakanin Expo, Raffle Bonanza, at Taraon Cultural Night upang mapangalagaan ang kultura at tradisyon kasabay ng pagtulong sa mga residente.

Naging basehan ng anunsyo ang pagdedeklara ng State of National Energy Emergency sa buong bansa dahil sa patuloy na epekto sa ekonomiya ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments