Selebrasyon ng 35th EDSA People Power Revolution, naging simple lamang; Pangulong Duterte at VP Robredo, nanawagan ng pagkakaisa sa paglaban sa pandemya

Photo Courtesy: QCPD

Naging simple lamang ang selebrasyon ng paggunita sa ika-35 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.

Sa tema ngayong taon na “EDSA 2021: kapayapaan, paghilom, pagbangon” binigyang pansin dito ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Naging limitado lamang din ang bilang ng mga dumalo sa wreath laying ceremony sa EDSA Shrine na pinangunahan ng EDSA People Power Commission.


Kaugnay nito, nagpaabot na rin ng kanilang mensahe sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Pangulo, nanawagan siya na isantabi na muna ang hindi pagkakaunawaan at magtulungan para sa pagbuo ng legacy na iiwan para sa mga susunod na henerasyon sa tulong ng diwa ng EDSA revolution.

Habang inalala naman ni Robredo ang ipinakitang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga lumaban noon sa diktaturya upang maging daan para makamit natin ang kalayaan na ating tinatamasa hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, para kay EDSA People Power Commission Executive Joey Concepcion, ang pagiging matatag ng mga Pilipino rin ang magsisilbing daan upang makayanan nating mapagtagumpayan ang banta ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments